-- Advertisements --
Daegu South Korea COVID Corona Coronavirus

Inamin ngayon ng South Korean government na panibagong 374 confirmed cases na kinapitan ng coronavirus ang nadagdag dahilan para umabot na sa 5,186 ang infections.

Nangangahulugan na sa nakalipas lamang na 24 oras halos 1,000 ang bagong mga pasyente sa COVID-19.

Samantala pumalo na rin sa 29 ang mga namatay sa South Korea na itinuturing ngayon na “biggest outbreak” sa labas ng mainland China.

Karamihan ng mga naiulat na infections ay sa southern city of Daegu.

Iniugnay din sa outbreak ay nagmula sa mga miyembro ng Shincheonji religious group.

Sa ginanap na cabinet meeting ngayong araw nagdeklara si South Korean President Moon Jae-in na ang kanilang bansa “has entered a war against the infectious disease.”