-- Advertisements --
Kinumpirma ng South Korea na nakapasok na sa kanilang no-fly zone sa presidential office nila ang drone ng North Korea.
Ayon sa South Korea military na naging delikado ang ginawa ng North Korea kaya kanila ito ng itinaboy sa insidente noong Disyembre 26, 2022.
Humingi na rin sila ng paumanhin dahil hindi nila napabagsak ang nasabing drone mga drone.
Pagtitiyak naman nila na walang nakuhang anumang sensitibong impormasyon ang mga drone na ipinalipad ng North Korea.
Nauna ng itinanggi ni Lee Sung-jun ang tagapagsalita ng Joint Chiefs of Staff na lumipad ang drone ng North Korea sa airspace sa ibabaw ng opisina ng kanilang pangulo.