-- Advertisements --

Matagumpay na inilunsad ng South Korea ang sariling gawa nila na space rocket sa kalawakan.

Tinawag nila itong Korea Satellite Launch Vehicle II na isang 200 toneladang liquid fuel rocket na pinangalanang “Nuri”.

Ayon kay Oh Tae-seok, deputy minister of science, technology and innovation ng Seoul na lumipad ito mula sa Goheung na nakumpleto nito ang paglipad base sa plano.

Bukod sa dummy satellite ay may dala itong rocket performance verification satellite at apat na cube satellites na gawa mula sa apat na local universities para sa research purpose.

Ito na ang pangalawang beses na tinangka ng South Korea na pagpapalipad ng kanilang sariling rocket na ang una ay hindi matagumpay noong Oktubre kung saan matapos na makarating ng 700 kilometro ay biglang tumigil ang makina nito.

Aabot sa $1.5 bilyon ang presyo ng nasabing Nuri rocket na ginawa ito ng mahigit isang dekada.