-- Advertisements --
Nakahanda ang White House para sa pagbisita ni South Korean President Moon Jae-in.
Siya na ang pangalawang world leader na personal na makakaharap ni Biden mula noong ito ay maupo sa pagka-pangulo noong Enero.
Noong nakaraang buwan kasi ay na bumisita sa Whites si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ito na rin ang maaring huling pagbisita ni Moon sa White House bago matapos ang kaniyang termino.
Inaasahan na tatalakayin ng dalawang leader ang denuclearization sa Korean Peninsula.
Nasa US na ngayon ang South Korean lider para magbigay ng pugay sa mga nasawing sundalo ng US noong Korean War.
Isinagawa ang wreath laying ceremony sa Arlington National Cemetery sa Virginia.