Balak ng South Korea na simulan sa susunod na taon ang paggawa ng kanilang kauna-unahang aircraft carrier.
Ang 30,000 toneladang aircraft carrier ay kayang magdala ng mga military forces, equipment at mga materyales.
Maari rin itong mag-operate ng mga fighter jets na puwedeng magsagawa ng vertical take-off at landing.
Ayon sa Defense Ministry ng bansa, posibleng masimulan ito mula 2021 hanggang 2025.
Malaking tulong aniya ito para mapalakas ang puwersang militar sa banta mula sa ibang mga bansa.
Kasabay din nito ay balak plano rin ng South Korea ang pagbili ng US-made F-35B fighter jets na may kakayahang magkaroon ng short takeoff at vertical landing capability.
Sinasabing nagkakahalaga ang nasabing carrier ng mahigit $4 billion habang ang mga F-35B fighter jets ay nagkakahalaga ng $122 million kada isa.