-- Advertisements --
Nanawagan ang health official ng South Africa na hindi dapat mataranta sa paglitaw ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay South African health minister Joe Phaahla na napagdaan na ang ganitong sitwasyon ng doon din sa kanilang bansa nakita nadiskubre ang Beta variant.
Kinondina din ng South Africa ang pagpapatupad ng travel ban at nanawagan sila na ito ay agad na tanggalin.
Magugunitang unang nadiskubre ang Omicron variant sa South Africa kung saan umabot sa 2,800 na bagong infections nitong Linggo.