-- Advertisements --

Binatikos ni Senate President Tito Sotto ang mga kritiko na walang ginagawa ang senado ngayong kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Sinabi ng senador na nagkaroon ng special sessions kongreso para tugunan ang nasabing krisis.

Dagdag pa nito na karamihan sa mga kasamahan nito sa senado ay tumutulong ng tahimik sa kani-kanilang mga lugar.

Paglilinaw nito na hindi na kailangan pang ipagmalaki ang bawat ginagawang pagtulong ng mga senado.