Hihiling na ng mini-Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Kamara at panig ng ehekutibo.
Ito’y para malaman kung may aasahan bang approval ng mga nakabinbing prangkisa sa lower House o wala.
Isa na ang ABS-CBN franchise na magtatapos sa susunod na buwan, ngunit wala pang katiyakan kung mabibigyan ng panibagong pahintulot para makapag-operate.
Naniniwala si Sotto na mahalaga ang LEDAC upang mabatid ang sentimiyento ng Kongreso at Malacanang hinggil sa mga usapin sa lipunan.
Ang kakulangan ng LEDAC meetings ang isa nakikitang rason ng Senate leader kaya naging solong desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Lumalabas kasing karamihan ng mga senador ay pabor sa pananatili ng naturang treaty, habang may iba na gusto lamang ng ilang pagbabago sa kasunduan, kaya kung nakonsulta lang sila ay maaga sanang naipabatid ang mga saloobin.










