-- Advertisements --

Sesentro rin sa sitwasyon at epekto ng COVID-19 pandemic sa iba’t-ibang sektor ang kilos protesta ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para sa ikalimang na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bayan secretary general Renato Reyes Jr. kanilang isisigaw bukas ang hinaing ng publiko sa naging epekto ng pandemya sa bansa, sa ekonomiya at umano’y pagpapatahimik ng gobyerno sa mga kritiko nito.

“Failed government response to the rising number of infected people, the worst economic crisis in history and the overall lack of direction in containing the spread of the disease will be remembered as part of Duterte’s legacy,” ani Reyes sa isang statement.

Dagdag pa ng Bayan sec-gen, tatatak din sa publiko bilang legasiya ng administrasyon ang aniya’y pagmamadali sa Anti-Terrorism Law at ABS-CBN shutdown na atake sa mga kritiko at manggagawa.

“The people will remember how thousands of jeepney drivers were reduced to begging in the streets, and of overseas workers and locally stranded individuals sleeping in pavements as they waited for a ride.”

Nanawagan si Reyes sa pamahalaan na magkaroon ng komprehensibong plano para mapigilan ang pagkalat ng virus at matulungan ang mahihirap na sektor na naapektuhan ng nagdaang lockdown.

Alas-10:00 ng umaga bukas magsasanib-pwersa ang iba’t-ibang grupo sa University of the Philippines – Diliman para sa kanilang #SONAgKAISA rally.

“The people demand a stop to all forms of suppression of dissent and all efforts aimed at exploiting the pandemic to solidify fascist rule in the country.”