Posibleng hindi umano abutin ng lagpas sa isang oras ang ikalawang SONA o ulat sa bayan ni PBBM ngayong araw, Hulyo 24 ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Bagamat hindi pa nito nakikita ang laman ng talumpati ng Pangulo, base aniya sa kaniyang narinig o impormasyon posibleng magtatagal lamang ng 45 minuto ang speech ng Pangulo.
Kung nagkataon ito ang isa sa pinakamaikling SONA mula ng simulan ang naturang taunang tradisyon.
Sa ngayon, si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang may hawak ng record na may pinakamaikling ulat sa bayan sa kaniyang ikalimang SONA noong 2005 na tumagal lamang ng 25 minuto.
Inihayag pa ng House Speaker na sa unang taon ng administrasyong Marcos maganda ang naging takbo ng ekonomiya ng PH kung saan ang ating bansa ang mayroong fastest growth rate pagdating sa gross domestic product sa buong mundo.
Samantala, sinabi naman ni House Sec.Gen Reginald Velasco na handang handa na ang HOR para sa SONA.
Kung saan mananatili pa rin ang hybrid set up para sa sona sa kabila ng pagtanggal na ng state of public health emergency sa bansa dahil sa covid19 pandemic.
Sa pamamagitan nito maaaring makadalo sa Sona sa pamamagitan ng video conferencing ang mga opisyal at mambabatas na hindi pisikal na makakadalo dahil sa ilang kadahilanan.
Mayroon ding ibibigay na password at guidance para maka-join ang mga ito sa hybrid session via Zoom.
Nasa mahigit 2,000 panauhin ang inaasahang dadalo sa ika-2 SONA ni PBBM. Ito ay mas marami kung ikukumpara sa kabuuang 1,365 na inimbitaan noong unang SONA ng Pangulo dahil mas maluwag na ngayong taon ang ipinairal na health protocols lalo pa’t lifted na o tinanggal na noong sabado lamang ang state of public health emergency dahil sa covid19 sa ating bansa.
Kabilang sa nagkumpirmang dadalo ay ang lahat ng nabubuhay na dating Pangulo ng Pilipinas na sina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, dating Pangulo at kasalukuyang Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at ang predecessor ni PBBM na si dating Pang. Rodrigo Duterte at anak nito at kadalukuyang VP Sara Duterte.
Una naman ng kinumpirma ni Housr Secretary General Reginald Velasco na inimbitahan din ang pangunahning karibal sa presidential election noong 2022 ni PBBM na si dating VP Leni Robredo subalit tumanggi ito.
Inimbitahan din ang dating mga ikalawang pamgulo, datimg house speakers, mga miyembro ng diplomatic corps at heads ng international organizations.
Mayroon namang inilaan na malaking function room para sa mga panauhin na senior citizen, person with disabilities at last minute guest.
Hindi naman imbitado si suspended Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. na una ng tinanggihan ang request nito para makadalo sa SONA virtually.
Pagdating sa security measures para sa SONA, mahigpit ang ipinairal kung saan nagpatupad ng apat na araw na lockdown simula noong huwebes, Hulyo 20 hanggang nitong linggo, Hulyo 23 bilang bahagi ng inilalatag na seguridad.
Strikto ding ipanapatupad ng House ang “No SONA 2023 ID, No Entry” at “No SONA 2023 Car Pass, No Entry” policies.
Tanging ang mga HREP personnel at bisita na may SONA 2023 ID o invitations ang pinapayagan na makapasok sa gusali ng HOR.
Magpapatupad din ng lockdown mga dakong alas-3 ng hapon bago ang mismong sona ng pangulo, magpapatupad din ng signal jamming at 1 kilometer radius “No Fly Zone dito sa may Batasan Complex mula ala-una ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Pagdating naman covid19 protocols mas maluwag na kung ikukumpara noong nakalipas na taon kung saan ang mga panauhin na bakunado na kailangan lamabg magpresenta ng vaccination card o digital vax certificate para sa screening habang ang mga dadalo na hindi pa bakunado ay kailangang magpakita ng negatibong RT PCR test na kinuha isang araw bago ang Sona
Hindi rin mandatoryo ang pagsusuot ng facemask kundi boluntaryo na lamang alinsunod din ito sa mga naunang EO na inisyu ni PBBM kung saan voluntary ang pagsusuot ng face mask mapaindoor or outdoor settings.