-- Advertisements --

Maikli lang umano ang “wish list” ng hanay ng oposisyon para sa mga paksang nais nilang maging laman ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na linggo.

Sinabi ni Liberal Party (LP) president at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa panayam ng Bombo Radyo na sana ay sumentro lamang sa tunay na mga problema ang magiging ulat sa bayan ng chief executive.

Kasama na umano rito ang COVID response ng pamahalaan, solusyon sa kawalan ng trabaho at pagkagutom ng maraming pamilya.

Matatandaang lumabas sa ilang survey na maraming Filipino ang nakakaramdam ng takot sa pangmatagalang idudulot na epekto ng COVID-19 sa kanilang kalusugan, kabuhayan at maging sa kanilang mga anak.