Isinusulong ng mga kongresista na mabigyan ang opisina ni Vice President Leni Robredo ng nasa P1 billion na pondo para sa 2022.
Ayon kay Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado, dapat lamang madagdagan ang pondo ng OVP matapos na paglaanan lamang ito ng Department of Budget and Management (DBM) ng P713.41 million para sa susunod na taon.
Sinabi ni Robredo, na physically present s budget hearing sa Kamara ngayong Biyernes, Setyembre 10, na ang DBM-aproved budget para sa OVP ay 21 percent na mas mababa kumpara sa P900 million na nakuha ng kanyang opisina ngayong 2021.
Nabatid na ang DBM ay nagtatakda ng budget ceiling dipende sa absorptive capacity ng bawat ahensya, o ang kakayahan ng mga ito na gamitin ang lahat ng kanilang pondo.
Gayunman, nagpahayag ng kanyang kumpiyansa si Robredo na sa kabila ng nabawasang pondo ay kakayanin pa rin ng OVP ang kanilang trabaho.
Umaasa ang OVP na mailaan ang halos kalahati ng kanilang total funds sa 2022 o katumbas ng P357.602 million para sa kanilang financial assistance at subsidies sa ilalim ng anti-poverty program ni Robredo na Angat Buhay.
Pero hindi ito tinangga ni Robredo, kaya isinusulong niyang mabigyan ang OVP ng P1-billion budget para sa 2022 sa oras na maiakyat na sa House plenary debates at amendements ang naturang usapin.
Ito ay dahil mabilis na inaprubahan ng komite ang 2022 proposed budget ng OVP pagkatapos ng presentation ni Robredo.