-- Advertisements --

Nanawagan si House Committee on People Participation chairman Rep. Rida Robes sa mga kapwa niya kongresista na magkaisa sa pag-apruba ng panukalang Bayaniahn 3.

Sa kanyang inihaing House Resolution No. 1718, sinabi ni Robes na dapat una sa prayoridad sa pagbabalik ng kanilang sesyon ngayong araw ay ang pag-apruba sa Bayanihan 3, na naglalaman ng P406.5-billion halaga ng lifeline measures.

Iginiit ni Robes na marami pa ang kailangan gawin upang sa gayon ay matulungan ang mga nawalan ng trabaho pati na rin ang mga nagsarang kompanya dahil sa pandemya.

Bukod dito, nakikita rin ng kongresista na matutugunan ang recession kung maipapasa ang naturang panukala.

Nabatid na nakapaloob sa Bayanihan 3 ang  P216 Billion na ayuda sa mga Pilipino na ibibigay ng 2 rounds o dalawang beses na tig P1,000 sa lahat ng mga Pilipino anuman ang estado sa buhay.