-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., ang Philippine Coast Guard at ang Maritime Indsutry Authority (MARINA) hinggil sa nangyaring sunog na kinasangkutan ng MV Lady Mary Joy 3 kung saan nasa 29 pasahero ang nasawi at ilan pa ang naitalang nawawala.

Nangyari ang sunog nuong nakaraang Miyerkules ng gabi sa bahagi ng Baluk-Baluk Island sa probinsiya ng Basilan kung saan mula sa Zamboanga City ang barko at patungo ito sa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., dapat magpaliwanag dito ang Philippine Coast Guard at ang Maritime Industry Authority (MARINA) kung ang nasabing barko ay overloaded dahil ito ang nagiging sanhi sa mga naitalang mga maritime accidents.

Sabi ni Barzaga na kaniyang naalala ang isinagawang imbestigasyon nuong 2008 ng House committee on transportation ang paglubog ng MV Princess of the Stars kung saan nasa 800 indibidwal ang nasawi.

Ang pagpapatibay sa batas ang Maritime Code ay kabilang sa naging rekumendasyon ng transportation panel matapos ang kanilang imbestigasyon.

Tanong ng mambabatas, anong ginawa ng Coast Guard bakit hindi nila nalaman sakaling overloaded ang pasahero.

Sa pahayag ni Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Hadji Muhtamad sa Basilan hindi accurate ang manifesto ng barko na siyang nagpapahirap sa pagsasagawa ng search, rescue and retrieval operations.

Batay sa datos ng PCG mayruong 205 passengers ang barko subalit nasa 195 ang narescue.

Ito ay bukod pa sa bilang ng mga nasawi.

Ayon sa beteranong mambabatas, hindi pa nakakareboer ang bansa sa pagkalubog ng MT Princess Empress na nagsanhi ng malawakang oil spill sa Negros Oriental, mayruon na namang nangyaring aksidente sa karagatan.

Sa ngayon ang tinitignan ng mga otoridad na ang sunog ay nagsimula mula sa air conditioning unit ng barko.