Tinawag na “oppressive” ni Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor ang pagtaas sa interbank automated teller machine (ATM) withdrawal fees, na nakatakdang magsimula sa Abril 7.
Sa halip na parusahan ang mga cardholders sa patong na ito, sinabi ni Defensor na dapat gamitin ng mga bangko ang sobra sa kanilang capital para sa pagpapalawak ng kanilang ATM networks.
Kung tutuusin, sinabi sinabi ng kongresista na marami namang surplus capital sa ngayon ang mga bangko sa gitna nang pagbaba sa pautang ng mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa katunayan, sa susunod na buwan ay nakatakda ngang mamahagi ang isang bangko ng P18 billion na special dividends sa mga shareholders nito.
“They clearly have the money to build up their ATM networks without having to add to the burden of cardholders who are already saddled with miscellaneous bank charges,” ani Defensor.
Sa Abril 7 nakatakdang magsimula ang pagtaas sa binabayarang interbank ATM withdrawal fees ng mga carholders.
Mula sa kasalukuyang nasa P10 hanggang P11 na singil sa kada transaction, nakatakdang itaas ito sa P18 ng karamihan sa mga bangko.
Sa ngayon, tanging 21,762 ang ATM terminals sa bansa, ayon sa Bankers Association of the Philippines.