-- Advertisements --

Pinabubuhay ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang mental health desks sa mga barangay para matugunan ang lumalalang problema sa mental health dahil sa COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Robes na i-activate ang mental health dests alinsunod na rin sa Republic Act 11036 o ang Mental Health Act.

Dapat kasi aniya tutukan din ng mga lokal na pamahalaan ang mga kaso ng anxiety o depresyon ngayong may pandemya.

Ito ay bukod pa aniya sa ipinapapatupad na protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad.

Binigyan diin din nito ang kahalagahan na maging bukas at palagian ang komunikasyon ng bawat pamilya at magkakaibigan.

-- Advertisement --