-- Advertisements --

Sa kabila ng peligrong hatid ng COVID-19 pandemic, nanawagan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang isang kongresista na payagan na ang mga bata na lumabas sa kanilang bahay.

Apela ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran: payagan ang mga bata na alumabas upang makapagpainit sa araw at makapag-ehersisyo.

Pero binigyan diin nito na dapat palaging nakasuot ng face mask, lumalayo sa ibang tao ang mga bata, at dapat may nagbabantay din aniyang matanda sa mga ito.

Karamihan kasi aniya sa mga  bata ay nakakaranas na raw ng “cabin fever” o pagkaburyo sa kanilang bahay matapos ang halos tatlong buwang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

“Children need sun exposure for Vitamin D and stronger immune system. Although they have their gadgets to play at home, children are happier when they can walk, run and ride their bikes outside.  the psychological development and well-being of a locked up child is not healthy,” giit ni Taduran. 

Tinukoy pa nito ang naging pahayag ni Dr. Kellyn Conde Sy, Molecular Biology at Biotechnology graduate ng University of the Philippines, na ang lockdown ay maaaring magbunsod ng matinding kalungkutan sa mga bata at ang pagkawala ng kakayagan na makatugon agad sa mga hamon ng buhay. 

Kaya hinimok ni Taduran ang IATF-EID na maglabas ng isang patakaran, katulad na lamang nang paglimita sa oras nang paglabas ng mga kabataan sa kanilang bahay para maiwasan pa ring mahawa sa COVID-19.