Nagpahayag ng pagkabahala si ANAKALUSUGAN Party-list Rep. Ray Reyes sa posibleng panganib na dulot sa kalusugan ng pagtaas ng temperatura sa bansa kaya pinaalalahanan nito ang publiko na mag-ingat laban sa init lalo at ginugunita ang pagdiriwang ng mga Kristiyano ang Kuwaresma o Semana Santa.
Ayon sa mambabatas ang matagal na pagkakalantad sa init ay maaaring humantong sa mga cramp, pagkahapo, o ang nakamamatay na heatstroke.
Sabi ng mambabatas na ang kaligtasan ay pinakamahalaga at ang matinding pag-iingat ay dapat gawin sa mga pagtaas ng temperatura.
Nanawagan ang mambabatas sa publiko na sundin ang mga tip na ibinigay ng Department of Health upang maiwasan ang heat stroke at iba pang sakit sa init.
Bukod sa pag-iingat laban sa init, pinaalalahanan din ni Rep. Reyes ang publiko na manatiling may kamalayan sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan sa panahon ng mga relihiyosong pagtitipon lalo na ngayong Holy Week dahil nasa Covid-9 pandemic pa rin ang bansa.