Hinimok ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang Senado na kumilos nang mabilis sa panukalang inaprubahan ng Kamara na naglalayong hikayatin ang paglago ng mga microentrepreneur sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng madaling makuha na kapital sa pamamagitan ng low-interest, no-collateral loans.
Ayon kay Yamsuan ang nasabing panukala ay layong i-institutionalize ang programa ng gobyerno ang “Pondo Para sa Pagbabago at Pag-Asenso (P3) Program, na makakapagpapalaya din sa mga micro micro entrepreneurs, gaya ng market vendors at sari-sari store owners, mula sa mga mula sa mga mga mandaragit na “five-six” moneylenders.
Naniniwaladin din si Yamsuan na sa nasabing panukalang batas ang mga maliliit na negosyong may sapat na kita ay may oportunidad na lumago.
Bukod sa pagbibigay ng mababang interes at walang collateral loans, layunin din ng P3 Program na maprotektahan ang mga micro entrepreneurs mula sa usurious lending practices ng “five six ” moneylenders..
Sinabi ni Yamsuan ang pag institutionalize ng P3 program. magsisiguro na ang micro financing program na ito ay mananatiling sustainable sa mahabang panahon, at nakahanay din sa kanyang H.O.P.E platform para sa 2nd District ng Parañaque City.
Kabilang si Yamsuan sa mga pangunahing may akda ng House Bill (HB) 7363 o ang panukalang P3 Act na inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang taon.
Ilang counterpart version ng P3 Act sa Senado ang hindi pa umaabot sa plenary approval.
Ayon sa Kongresista ang layon ng HB 7363 na bumuo ng Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso Fund upang masiguro ang sustainability ng nasabing programa.
Ang effective interest rat na ipatupad sa P3 loans sa ilalim ng panukalang batas ay nasa 1 percent.
Mula July 2022 hanggang May 2024 nasa 154,423 micro entrepreneurs na ang naka benepisyo sa nasabing programa.