-- Advertisements --
Naging sulit ang ginawang paghabol ng Rain or Shine Elasto Painters matapos talunin ang Blackwater 110-100 sa PBA Season 50 Philippine Cup.
Umabot kasi sa 19 points ang ginawang paghabol ng Painters sa last quarter ng laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Sa tulong ni Adrian Nocum ay nakapagtala ito ng walong puntos para makamit ang 16-3 run at mabaligtad ang kalamangan 88-85 sa last quarter.
Hindi na hinayaan pa ng Elasto Painter na makalamang pa ang Blackwater para makuha ang ikalawang panalo sa tatlong laro.
Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Jhonard Clarito na nagtala ng 16 points habang mayroong 13 points, anim na rebounds, limang assists at dalawang blocks si Gian Mamuyac.
















