-- Advertisements --
Justice Sec. Menardo Guevarra

Kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra na nakatanggap sila ng impormasyon na pinayagan o inaprubahan ng pre-trial chamber ng International Criminal Court na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas

Gayunman ay nilinaw ni Guevarra na wala pa silang natanggap na opisyal na kopya ng kautusan, pero tiniyak ng SolGen na gagawin nila ang lahat ng ligal na pamamaraan para iakyat sa ICC ang naturang isyu para ito ay iapela sa ICC appeals chamber.

Iginiit pa ni Guevarra na ang sarili nating imbestigasyon at pag-usad ng judicial process ang dapat na manaig dahil umiiral naman sa ating bansa ang batas na nagdudulot ng positibong resulta at nakakamit naman ang katarungan sa tamang panahon.

Magugunitang dati ng inimbestigahan ng mga ICC Prosecutors ang magkakasunod na patayan o naging madugong anti-illegal drugs campaign dahil sa ipinatupad ng dating Duterte administration.