Umapela ngayon ang state lawyers sa Supreme Court (SC) na ipagpatuloy ang defense sa non-contact apprehension policy (NCAP) na sa ngayon ay pansamantalang natigil dahil sa temporary restraining order (TRO) na inisyu noong nakaraang taon.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na kumakatawan sa Land Transportation Office (LTO) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na kailangan daw na ibalik ng korte suprema ang non-contact apprehension policy at pagtibayin ang polisiya na naghahabol sa mga may-ari ng sasakyan na nahuli sa camera na lumalabag sa batas.
Ayon kay Guevarra, isa itong oportunidad para mapalawig ang principles na una nang na-adopt sa1952 case.
Sa naturang desisyon, napatawan din ng parusa ang may-ari ng sasakyang nakaaksidente maliban pa sa taong nagmamaneho ng naturang sasakyan.
Idinipensa pa ni Guevarra na ang mga multang makokolekta sa naturang polisiya ay hindi para sa reveunues pero ito ay magsisilbing regulatory fees bilang pagsunod sa police power ng mga local government units.
Sakop din umano ng makokolektang multa ang expenses para sa traffic management.
Kung maaala, noong August 2022 nag-isyu ang Korte Suprema ng TRO kotra sa non-contact apprehension policy-related programs at ordinances at ano mang apprehensions.
Ang mga naghain naman ng petisyon laban sa Manila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque City, Muntinlupa City at LTO laban sa ordinansa ay ang Transport groups Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon Inc., Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, and Alliance of Concerned Transport Organizations.
Sa isinagawang oral argument noong Disyembre 6 noong nakaraang taon, sinabi ng mga abogado ng pamahalaan na ang pagpapatupad ng no contact apprehension ay hindi raw lumalabag sa privacy rights ng mga motorista.