Inihayag ni Solicitor General Menardo Guevarra na wala pang official order mula sa Office of the Ombudsman kaugnay sa reklamong inihain laban sa kaniya ni dating Senator Leila De lima.
Subalit sa panig ng Solgen, pinag-aaralan na aniya ang kanilang susunod na magiging hakbang.
Ito ay matapos na katigan ng Court of Appeals ang pestisyon ni De Lima at baliktarin ang desisyon ng Ombudsman na nagbasura sa mga reklamo ng dating Senadora kaugnay sa paggamit ng pamahalaan ng convicted criminals bilang testigo ng estado sa kaniyang illegal drug trading case.
Idineklara ng appellate court na void o walang bisa ang notices dahil sa kawalan ng due process at ipinabalik ang kaso sa Ombudsman.
Matatandaan sa reklamong inihain ni De Lima, inakusahan nito si dating Justice Sec. at kasalukuyang SolGen Guevarra ng pagpapatuloy ng iligal na pagtanggap ng mga convict sa ilalim ng Witness Protection, Security at benefit program.
Kabilang din si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa sinampahan ng reklamo ni De Lima para sa umano’y dereliction of duty at graft dahil sa pag-admit ng mga kriminal na nahatulan ng mga krimen may kinalaman sa moral turpitude bilang mga testigo ng estado.