-- Advertisements --

Hindi na kakailangain pa sa divorce proceedings sa korte ang solicitor general o sinumang counsel ng gobyerno batay sa panukalang batas sa Senado.

Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros, isa sa mga may-akda ng tatlong divorce bills sa Senado, na hindi na kailangan pang makibahagi sa proseso ang solicitor general dahil ang korte na mismo ang may otoridad na dinggin ang mga divorce cases.

“Sila yung talagang mag-a-appreciate ng facts of the case o ng application for dissolution of marriage, sila ang magtitimbang sa kung anong magiging desisyon sa kasal ng mag-asawa,” ani Hontiveros.

Nakasaad sa 1987 Constitution na mandato ng estado na kilalanin ang sanctity ng isang pamilya at protektahan ito bilang isang basic unit ng lipunan.

Ang solicitor general, bilang abogado ng pamahalan, ang dapat na magtitiyak na nasusunod ang naturang constitutional requirement.