NAGA CITY- Ikinatuwa ng Southern Luzon (SOLCOM) na napigilan nila ang sana’y umano magiging plano ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Dawlah Islamiyah na panggugulo.

Ito’y kaugnay ng paagkakaaresto sa mga pinaniniwalaang ISIS sa lugar kung saan mismo idadaos ang nalalapit na SEA Games.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Col. Dennis Cana sinabi nitong, nagpapasalamat umano sila sa mga taong nagbigay sa kanila ng impormasyon hinggil sa nasabing mga rebelde.

Kung maaalala, kamakailan ng maaresto ang dalawa sa mga pinaniniwalaang ISIS na si Bobby Cabugatan at Saiidi Maamor Saro aka Abu Hudaifa sa isinagawang joint operations ng AFP at PNP sa Tayabas Quezon at Calamba Laguna.