Hindi umano susubukan ng South Korea na tawagan ang North Korean government sa pamamagitan liaison communication line hangga’t hindi pa bumabalik sa normal ang kanilang operasyon.
Tuluyang pinutol ng Pyongyang kahapon ang lahat ng cross-border phone lines dulot ng galit nito sa mga naglipanang anti-Pyongyang leaflets na hinihinalang mula South Korea. Simula noon ay hindi na muling sinagot ng North Korea ang mga tawag mula South sa pamamagitan ng liaison at military hotlines.
“Our call at noon yesterday went unanswered. We have not made more attempts ever since,” ani Yoh Sang-key, tagapagsalita ng South Korea ministry. “We will not try to call every day going forward until there is an agreement to resume the operation of inter-Korean communication lines.”
Setyembre 2018 noong buksan ng magkabilang panig ang liaison office sa Kaesong, North Korea bilang hakbang upang pangasiwaan ang cross-border exchangers at kooperasyon ng dalawang bansa.
Binantayan ito ng ilang liaison officers at staff members hanggang buwan ng Enero subalit pansamantala itong isinara dahil sa coronavirus outbreak.