-- Advertisements --

Nakadiskubre ng makabagong hakbang sa paggamot ng cancer ang mga siyentipiko mula sa Korea Advanced Institute of Science and Technology (KAIST), South Korea nang matuklasan nila ang isang bagong paraan upang ibalik ang mga colon cancer cells sa normal nitong anyo, sa halip na sirain ito.

Kung saan gagamit ng makabagong digital twin technology ang mga ito para gamutin ang cancer. Ang naturang pagdiskubre ay pinangunahan ni Professor Kwang-Hyun Cho.

‘We have discovered a molecular switch that can revert the fate of cancer cells back to a normal state by capturing the moment of critical transition right before normal cells are changed into an irreversible cancerous state,’ pahayag ni Prof. Cho

Ang makabagong teknolohiya ay kayang gayahin at suriin ang interactions ng isang gene, na tumutukoy sa mga mahalagang molecular switch na nag-uudyok ng mga pagbabago.

Sa kasalukuyang tradisyunal na paggamot sa cancer ay karaniwang nakatuon sa pagpatay sa mga cancer cells, na kadalasang nagdudulot naman ng malulubhang epekto at nagpapataas ng panganib ng pag-ulit muli ng sakit.

Ngunit sa nadiskubre ng team ng mga scientist sa SoKor ang bagong pamamaraan ay mag-aalok ng mas ligtas at mas epektibong pamamaraan ng pag-gamot ng cancer sa pamamagitan ng pagpapalit ng ideya mula sa pagsisira ng mga cancer cells patungo sa pagpapagaling ng mga ito.

Kung saan ang mga normal cells at cancer cells ay magkakasama bago paman sila magbago paman sila maging cancer cells sa panahon ng tumorigenesis —isang proseso ng pagbuo ng tumor na karaniwang sanhi ng hindi kontroladong pagdami ng cells sa katawan ng tao.

Sa prosesong ito, ang mga normal cells ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa kanilang genetic materials, na nagiging dahilan naman ng kanilang abnormal na paglaki at pagdami.

Kung mapapatunayan pa ng mga karagdagang pag-aaral ang mga positive result ng bagong pamamaraan ng pag-gamot sa cancer, maaaring baguhin ng makabagong teknolohiyang ito ang muling pagbibigay pag-asa sa muling paggaling sa cancer.

Dahil ayon sa mga ulat ng World Health Organization (WHO). ang cancer ay ang pangalawang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng tao sa buong mundo.

Sa kasalukuyan ‘wala pang gamot na lubusang nakakapagpagaling sa lahat ng uri ng cancer. Gayunpaman, may mga iba’t-ibang pamamaraan upang puksain ito tulad ng Chemotherapy, Radiotherapy, Surgery at iba pa.

Ang pagdiskubre sa makabagong pamamaraan ng paggamot ng cancer ay nagbibigay ng bagong pag-asa sa mga pasyenteng may cancer.