-- Advertisements --
Nagsimula nang magpamigay ng remdesivir ang gobyerno ng South Korea para sa mga ospital na may COVID-19 positive patients.
Ang supply ng nasabing gamot ay ibinigay ng Gilead Sciences at kasalukuyan itong kinakausap ng South Korea upang bumili ng karagdagang gamot sa buwan ng Agosto.
Ayon sa Korean Centers for Disease Control, tanging mga pasyente na may pneumonia at nangangailangan ng oxygen therapy ang siyang makatatanggap ng remdesivir.
Ang remdesivir ay isang anti-viral medicine na unang ginamit sa Ebola, kaya nitong pababain ng 11 araw ang nararanasang sintomas ng isang indibidwal na positibo sa coronavirus disease.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang impormasyon ang disease control agency kung ilang doses ng gamot ang kanilang natanggap.