-- Advertisements --

Inaasahang muling magsasagawa ng nuclear consultation talks ang South Korea at Estados Unidos sa darating na Biyernes, Disyembre 15, 2023.

Sa isang statement ay kinumpirma ng tanggapan ni SoKor President Yoon Suk Yeol na nakatakda itong dumalo sa idaraos na ikalawang Nuclear Consultative Group meeting sa Washington DC, kasama si US President Joe Biden.

Bahagi pa rin ito ng commitment ng Washington kaugnay sa pagbabahagi pa ng mas maraming insights sa Seoul pagdating sa usapin pagdating sa pagpaplano at iba hinggil sa mga conflict na posibleng kaharapin nito laban sa North Korea.

Kung maaalala, una nang inanunsyo ng dalawang pinuno ng US at South Korea ang pagbuo nito ng Nuclear Consultative Group sa kasagsagan ng kanilang dinaluhang summit noong Abril na bahagi naman ng “Washington Declaration”.

Sa isang pahayag ay una nang ipinaliwanag ni Yoon na ang pagbuo ng nuclear group ay bahagi ng kanilang layunin na i-upgrade ang alyansa sa US na naglalayon naman na mas mapaigting pa ang “extended deterrence” laban sa mga nuclear at missile programs ng North Korea.