Aprubado na raw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang soft launch ng VaxCertPH sa Lunes, September 6.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque Jr, ang mga overseas Filipino workers at Filipinos na patungong abroad na taga Metro Manila at Baguio ang uunahin sa initial phase.
Una nang sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang VaxCertPH ay puwedeng maging fully implemented na sa buwan ng October.
Aasa naman ang VaxCertPH na dinivelop ng DICT at Department of Health sa data na isusumite ng local government units (LGUs) sa pamamagitan ng Vaccine Information Management System.
Sa kanilang portal ang pag-isyu ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination certificates ay para sa mga fully vaccinated individuals.
Sinabi naman ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ang kanilang mga LGUs ay magsisimula nang magsumite ng listahan ng mga bakunadong residente sa naturang ahensiya.