-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas na ni The Voice USA champion Sofronio Vasquez ang Christmas song niya kasama ang mentor na si Canadian crooner Michael Buble.

Ang kantang “Maybe This Christmas” ay ilalabas sa darating na Nobyembre 28.

Sa una ay hindi ito makapaniwala dahil sa makakasama ang sikat na singer at noong natuloy na ay labis na itong nasabik.

Magugunitang noong Agosto ay sinabi ni Buble na kaniyang tutulungan si Vasquez para ilunsad ang international career.

Una ng sinabi rin ni Vasquez na maglalabas ito ng extended play na album na gawa ni Buble kung saan mapapakinggan dito ang kanta kasama sina Paul Anka at David Foster.

Magugunitang gumawa ng kasaysayan si Vasquez matapos na maging unang Asian na nagwagi sa “The Voice USA” sa pamamagitan ng maraming boto na natanggap.