CAGAYAN DE ORO CITY – Inirekomenda ng Integrated Bar of the Philippines Misamis Oriental Chapter ang pagdagdag ng asignaturang Social Media Etiquette para sa mga mag-aaral ng Department of Education.
Sa panayam ng BOMBO RADYO Cagayan de Oro kay IBP MisOr chapter member Atty. Si Rhobert Maestre, inihayag nitong mas mapapaunlad ang pag-unawa ng makabagong henerasyon kung matuturuan sila ng tamang paraan sa pagamit ng social media.
Layon ng asignaturang Social Media Etiquette ang responsabling pagpost ng mga kaalaman, mga larawan at videos gamit ang personal na social media.
Sa pamamagitan ng asignaturang ito, matutunan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng balita, pekeng impormasyon at propaganda information na karaniwang ginamit ng mga vloggers, pulitiko at maging mga rebelde upang manghikayat na maniwala sa kanilang panlilinlang at maling impormasyon.
Ang panawagan ni Maestre ay nakabase sa nalipanang fake news sa kontrobersyal na kaugnayan ng isang kilalang Pastor ng Brgy. Lapasan Baptist Church, matapos madamay ang kanyang pangalan at pamilya sa pagkamatay ng isang kandidata ng Mr. Cagayan, noong Mayo 9 nitong syudad.