-- Advertisements --

Humirit pa ng tatlong taon na extension ng kaniyang residency sa Russia si dating US National Security Agency contractor Edward Snowden.

Ayon sa kaniyang abogado na si Anatoly Kucherena, naghain na sila ng petition para sa pagpapalawig ng kaniyang permit ng hanggang tatlong taon.

Nilinaw din nito na hindi napag-usapan ang citizenship nito.

Nakatakda na kasing magpaso ang kaniyang permit sa katapusan ng Abril.

Magugunitang inakusahan si Snowden ng espoinage at pagnanakaw ng pag-aari ng goyberno sa US sa pamamagitan ng pagsiwalat ng mga maseselang impormasyon.

Nanirahan siya sa Moscow mula ng isawalat ang mga classified information noong 2013 .

Binigyan siya ng Russian government ng asylum at pinalawig ang permit nito mula 2017 hanggang 2020.