-- Advertisements --

Kinumpirma ng Smartmatic Inc., ang service provider para sa 2022 automated elections, na nagkaroon ng “data leak” sa sistema nito.

Ito ang inihayag ni Commission on Elections chairperson Saidamen Pangarungan.

Sa isinagawang signing ceremony, sinabi Pres. Fort) ni Pangarungan na pinatawan din ng Smartmatic ng disciplinary action ang empleyadong sangkot umano sa insidente kung saan tinanggal ito sa trabaho.

Tiniyak ng Smartmatic sa Comelec na ang seguridad ng mga balota at mga naka-configure na SD card ay hindi nakompromiso ng internal data leak.

Dagdag pa ni Pangarungan na hihintayin muna ng Comelec ang opisyal na ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa napaulat na data breach bago maglabas ng desisyon hinggil sa insidente.

Una rito, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang empleyado ng Smartmatic na sangkot sa umano’y paglabag sa seguridad sa sistema nito.

Noong Marso 24, sinabi ng Comelec na susuriin nito ang kontrata nito sa Smartmatic, Inc. matapos ang napaulat na paglabag sa seguridad sa sistema ng service provider para sa 2022 elections.