Ibinahagi ng lifestyle vlogger na si Small Laude sa kanyang Instagram account noong Biyernes, Enero 3, 2025, ang isang legal statement, tugon sa mga alegasyon na kumakalat online na may kinalaman sa kanyang asawa na negosyanteng si Philip Laude.
Ang post, na nasa kanyang verified account at may caption na “The Truth,” ay naglalaman ng pahayag mula sa kanilang abugado.
Mariing itinanggi ng legal counsel ni Small na ang anumang insinuation na sangkot si Philip sa anumang flood control projects mess. Binanggit din na si Philip ay isang pribadong negosyante na may matagal nang record ng maayos at legal na negosyo.
Hindi rin daw nasangkot, nakinabang, o nagpatupad ng anumang illegal na transaksyon, scheme, o aktibidad, direkta man o hindi si Philip.
Itinanggi pa ng mga itong mayroon umano siyang korporasyon o pormal na partnership kasama si Edvic Yap, na kalaunan ay nahalal sa gobyerno. Wala din daw korporasyon na naitatag sa pagitan ng dalawa.
Bago pa man daw maihalal si Yap, inimbitahan lamang niya si Philip para sa isang proposed joint venture at hindi umabot sa anumang pormal na partnership o juridical entity.
Ayon pa sa legal counsel ni small, isang bank account lang ang nabuksan sa panahong iyon bilang bahagi ng exploratory phase.
Pagkatapos mahalal ni Yap sa public office, hindi na ipinagpatuloy ang venture, at isinara na rin ang bank account upang maiwasan ang anumang isyu, maling interpretasyon, o impresyon ng impropriety.












