-- Advertisements --

Patay sa aksidente ang Slovenian snowboarder na si Marko Grilc sa isang ski resort sa Austria.

Kinumpirma ito ng dalawa niyang sponsor kung saan nagtamo ng matinding head injury ang 38-anyos na snowboarder.

Ayon sa kapulisan ng Tyrol, Austria, na bahagi ang biktima sa filming team na nagsasagawa ng exploration sa terrain sa lugar ng mahulog ito.

Walang suot na helmet si Grilc ng mahulog at tumama ang ulo nito sa mga bato.

Nakilala si Grilc sa mga freestyle snowboarding competitions.
Unang sumabak ito sa Junior World Championships sa Finland noong 2002.