-- Advertisements --

Nais ni Sen. Imee Marcos na tumulong na rin ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials sa ginagawang contact tracing ng gobyerno kontra coronavirus disease.

Ayon sa senador, malaki umano ang maitutulong ng mga ito dahil tech savvy daw ang mga ito at palagi nilang hawak ang kanilang telepono.

Ginawa ni Marcos ang suhestyon na ito matapos sabihin ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kakaunti pa lamang ang kanilang naha-hire na contact tracers mula sa target nitong 50,000.

Kahit pa raw kasi nakatanggao ng halos 55,000 applications ang naturang ahensya, ay tanging 47,000 lamang ang kanilang prinoseso at mahigit 10,000 naman ang kanilang na-hire, ayon kay Undersecretary Bernardo Florence Jr.

Sinabi naman ni National Youth Commission chairperson Ryan Enriquez na bukod pa sa mga programa ng SK sa kasagsagan ng pandemic ay inaaral na rin umano nito ang pagsali sa contact tracing efforts ng gobyerno.

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, aabot ng P5 billion ang alokasyong cudget para sa contact tracing ng abnsa.

Bawat contact tracer ay makatatanggap naman ng P18,784 kada buwan.