Nagprotesta ang grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) sa Senado upang hilingin sa mga senador-hukom na maglabas ng subpoena para buksan ang bank at tax records ni Vice President Sara Duterte.
Giit nila, mahalagang mailantad ang lahat ng financial transactions ng Bise Presidente upang masuri ng publiko ang kanyang kasaysayan bilang opisyal ng pamahalaan.
Pinabulaanan ng grupo ang pahayag ng depensa ni Duterte na ang pagbubunyag ng mga rekord ay “overblown” at “oppressive.”
Ayon sa SPARK, tungkulin ng Estado na imbestigahan ang lahat ng kaso ng katiwalian nang walang kinikilingan.
Dagdag pa nila, ang mga senador-judge na boboto laban sa subpoena ay maituturing na kasabwat sa pagtatakip ng katiwalian.
Nanawagan din ang grupo na hatulan si Duterte sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y pang-aabuso ng kapangyarihan at maling paggamit ng pondo ng bayan.
Sa kasalukuyan, nasa ikalawang linggo na ng impeachment trial ni VP Sara Duterte ngayong Hulyo 2026, at patuloy ang panawagan ng kabataan at progresibong grupo para sa transparency at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.
















