-- Advertisements --

Opisyal nang kinilala ng NBA ang Philadelphia 76ers superstar na si Joel Embiid bilang scoring champion.

Sa huling game ngayong araw bilang regular season finale nakapagtala ng average na career high sa 30.6 points per game si Embiid.

Naging dikitan ang agawan nina Embiid sa titulo kay dating NBA MVP na si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na may average na 29.9 points per game.

Meron din sanang tiyansa si Los Angeles Lakers star LeBron James sa titulo dahil sa kanyang average na 30.3 points per game ngayong season.

Gayunman, kulang sa 58 games ang hindi inilaro ni LeBron bunsod ng injuries.

Si Embiid na ipinanganak sa bansang Cameroon, ang siyang unang international player na nanalo sa NBA scoring title.

Siya rin ang unang center na nagbulsa ng award na huling nasungkit ng basketball legend na si Shaquille O’Neal noon pang ‎1999-2000 season.