Ibinihagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa kabila ng pagdating ng mga pasahero mula sa kani-kanilang probinsya pagkatapos ng Semana Santa, naging maayos naman ang transportasyon at kalsada hanggang ngayon sa mga pampublikong bus terminal at sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit head Bong Nebrija, hindi pa nila nakikita ang inaasahang dami ng mga pasahero sa mga terminal ng bus, at maaari pa ring tanggapin ng pampublikong transportasyon ang karagdagang mga loads ng pasahero.
Dagdag niya, wala rin namang naitalang aberya sa mga terminal ng bus kaugnay ng pagdagsa ng mga pasahero.
Aniya, bumalik na rin ngayong araw ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) pagkatapos ng apat na araw na pahinga mula noong Abril 6.
Inaasahan na lamang ng MMDA na kalahati ng mga pasahero o humigit-kumulang 35% ang babalik sa Metro Manila sa maghapon dahil dumating na ang ilan noong Linggo.