-- Advertisements --
Patuloy na lumalakas ang bagyong Siony, na ngayon ay nasa severe tropical storm category na.
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 745 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Mabagal pa rin ang pag-usad nito sa pahilagang direksyon.
Sa kasalukuyan, nakataas ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa mga sumusunod na lugar: northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga), eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., at Camiguin Isl., kasama na ang iba pang maliliit na isla).