CEBU CITY – Umarangkada na ang taunang pagdiriwang ng Sinulog Festival sa pamamagitan ng isang engrandeng opening salvo kahapon sa Lungsod ng Cebu.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng Holy Mass sa Basilica Minore Del Sto. Niño at pormal namang binuksan ng alkalde na si Edgardo Labella ang selebrasyon kinalaunan.

Sinundan ang masayang pagbubukas ng street parade kung saan binabaybay ng 18 contingents mula sa magkaibang mga paaralan sa Metro Cebu ang Osmeña hanggang sa makarating ito sa Cebu City Sports Complex.

Pinakita ng mga contingent ang kanilang performance bilang alay kay Señor Sto. Niño at nagtapos ang masayang pagbubukas sa isang makulay na fireworks display.

Aasahan ng mga local at international tourists ang masaya at makulay na Sinulog Festival sa gaganaping grand parade sa Linggo, Enero 19

-- Advertisement --