Darating ngayong araw ng Biyernes ang CoronaVac vaccines na laan para sa Department of Health (DOH-12) (Soccsksargen).
Ang CoronaVac vaccines ay gawa ng Sinovac mula sa China.
Ayon kay DOH-12 health education and promotion officer Arjohn Gangoso, ipamamahagi ang mga bakuna simula sa araw ng Sabado sa mga probinsya at syudad ng Rehiyon-12.
Sinabi naman ni DOH-12 Regional Director Dr. Aristides Tan na pagsating ng mga bakuna ay dadalhin agad ito sa cold storage facility ng regional office sa Cotabato City para sa imbentaryo.
Aniya, ililipat ito sa provincial, city, at municipal health offices.
Sinabi ni Tan na batay sa protocol, ang mga bakuna ay tatanggapin ng program coordinators at cold chain managers ng LGUs.
Ang DOH-12 ay nakapagtala ng 8,705 healthcare workers sa mula sa 23 referral hospitals bilang ‘eligible’ para sa Sinovac inoculation.