Nilinaw din ni PNP spokesperson PCOL Jean Fajardo na hindi pa rin makakalusot sa pananagutan ang sinibak sa pwesto na si dating PNP-CIDG NCR Chief PCOL Hansel Marantan.
Ito ay may kaugnayan naman sa isyu ng “Hulidap” ng 13 tauhan ng CIDG-NCR na inireklamo ng 13 Chinese nationals na ilegal na nagsusugal sa Parañaque City noong Marso 13, 2023 na kalauna’y iniatras din ng mga dayuhan batay sa kanilang isinumiteng affidavit.
Paglilinaw ni Fajardo, sa kabila nito ay hindi pa rin off the hook si Marantan dahil sa administrative case na hinahawakan ngayon ng PNP-internal affairs service ukol dito.
Kung maaalala, sinibak ni sinibak ni CIDG Director, P/Bgen. Romeo Caramat si Marantan dahil sa command responsibility matapos silang ireklamo ng mga biktima ng pangingikil kay Deputy Chief PNP for administration P/LT.Gen. Rhodel Sermonia.