-- Advertisements --

Sa mga nagpaplanong mamasyal sa Apo Reef Natural Park (ARNP) sa Sablayan, Occidental Mindoro ngayong summer season, ipinagbabawal na ngayon ang paggamit ng single-use plastic.

Layunin nito na protektahan ang diverse marine life ng parke at mapanatili ang malinis na likas na yaman.

Ang bagong patakaran ay sa bisa ng pinagtibay na ordinansa ng probinsiya na PAMB Ordinance AR 23-0001 o ang “Single-use Plastics Phase-out in Apo Reef Natural Park” noong HUnyo 23, 2023.

Batay sa Article 2, Section 5 ng nasabing regulasyon, ipinagbabawal sa sinumang indibidwal o entity na nasa commerce, turismo, research o iba pang aktibidad na nagbebenta, gumagamit o namamahagi ng single-use plastics o produkto na nakabalot sa naturang materyal na saklaw ng boundaries ng parke.

Kabilang dito ang plastic labo at sando bag, disposable na mga cutlery, caronated at unflavored drinks na nasa single-use containers, at iba pa.

Mayroon namang kaukulang parusa sa mga lalabag sa ordinansa, may mutang P1000 para sa first offense na may kasamang oral at written warnings.

Sa mga susunod na paglabag naman ay P10,00 at P30,00 para sa 3rd offense habang sa pang-apat na paglabag ay pagbabawalan na ang mga ito na makapasok sa Apo reef Park ng isang taon.

Ang naturang tourist spot ay matatagpuan sa baybayin ng Occidental Mindoro sa Sulu Sea na pinakamlaking coral reef system sa Pilipinas at ikalawang pinakamalaki sa uong mundo.

Ito ay may lawak na 27,469 ektarya na tahanan sa nakakamangha at iba’t ibang uri ng makukulay na ibon, mammals, reptiles, marine vertebrates at invertebrates.