Muling magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan ng Pebrero.
Ito na ang posibleng ika-apat na sunod na buwan ng pagtaas sa singil.
Ang nakaambang pagtaas sa singil sa kuryente ay dahil natapos na ang distribution-related refund na katumbas ng 19 centavos kada kilowatt hour para sa mga residential customers.
Noong nakalipas na January billing, mulig nagtaas ang singil sa kuryente sa ikatlong pagkakataon dahil sa mataas na generation charge at pagtatapos ng distribution-related refund ng Meralco.
Nakitaan ng pagtaas na P0.6232 per kWh hanggang P10.9001 per kWh ang kabuuang singil sa kuryente para sa typical household noong nakalipas na buwan.
Positibo naman si Meralco vice president at head ng corporate communications Joe Zaldarriaga na mapapahupa ang mataas na singil sa kuryente sa pamamagitan ng mababang presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) dahil sa pag-improve sa sitwasyon sa Luzon grid at walang naranasang yellow alert sa suplay ng kuryente noong nakalipas na buwan.