Asahan ang mas mababang singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo para sa mga customers ng Manila Electric Company (Meralco).
Ito ay matapos na ianunsiyo ngayong araw ng Meralco na magkakaroon ng dowanward rate adjustment sa singil ng kuryente na P0.7067 kada kilowatt-hour (kWh) kung kayat bababa ng P9.7545/kWh ang buwanang rate.
Nangangahulugan ito na ang isang typical household na komukonsumo ng 200kWH kada buwan ay magkakaroon ng bawas na P141 sa kanilang electric bill.
Ayon sa Meralco ang bawas sa singil sa kuryente ay bunsod ng direktiba ng Energy Regulatory Commission sa kompaniya na i-refund ang P21.77 billion base sa review ng regulators ng approved projected rates kontra sa actual charges.
Ayon kay Meralco head of regulatory management Ronald Valles, ang agarang implementasyon ng desisyon ng ERC ay nagawang maoffset ng higit pa ang impact ng mataas na generation charges ngayong buwan para sa kapakinabangan ng kanilang customers.