-- Advertisements --
image 176

Tataas muli ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktobre, batay sa naging anunsyo ng Electric Company o MERALCO.

Sa naging advisory, inaasahang aabot ng hanggang 42 sentimo ang itataas ng kanilang singil.

Paliwanag nito, ang pagtaas sa singil ay dahil na rin sa paggalaw sa presyuhan ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM, kasama na ang pagtaas sa presyo ng generation charge.

Samantala, kasama rin sa naging basehan nito para itaas ang singil sa kuryente ay ang pagmahal ng transmission at universal charge. Ang mga ito ay ang mga nasasayang na kuryente dulot ng iligal na koneksyon.

Dahil sa taas-singil, asahang aabot ng hanggang P84 ang dagdag sa monthly bill ng mga komukonsumo ng 200 kilowatt-hour na kuryente.

Inaasahang aabot naman sa P210 ang maidadagdag sa mga konsyumer na gumagamit ng hanggang 500 kilowatt-hour.