-- Advertisements --
Nagbigay ng $1 milyon na donasyon ang Canadian singer na si Weeknd para matulungan ang mga tao na naiipit sa kaguluhan sa Ethiopia.
Nakipagtulungan ang singer o Abel Makkonen Tesfaye sa tunay na buhay sa World Food Program USA, isang sangay ng United Nations World Food Program para maipadala ang mga pagkain sa mga biktima.
Sa nasabing halaga ay inaasahan na mapapakain nito ang nasa 2 milyon na mga mamamayan ng Ehtiopia.
Nagkaroon ng labanan sa nasabing bansa ng atasan ni Prime Minister Abiy Ahmed ang pag-atake sa Tigray People’s Liberation Front na inakusahan nito na nagnanakaw ng mga armas ng militar.