-- Advertisements --
Itinanggi ng singer na si Paolo Santos na kabilang siya sa online concert na alay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa 45-anyos na singer-songwriter na wala itong kinalaman sa nasabing concert.
Nagulat na lamang ito ng iparating sa kaniyang ng netizen na kasama ito sa line-up na magpeperform.
Magugunitang pangungunahan ng singer na si Jimmy Bondoc ang “Singing for the Presidente” sa online concert na gaganapin sa Agosto 30.